Christmas is fast approaching,, trying to make a moviemaker for these specific song we sung during misa de gallo,, but first i need to post the lyrics so that when i try to edit on another computer i can easily find it,, hehe,,, thanks to technology,,
ANG KABUTIHAN NG PANGINOON
ang kabutihan ng Panginoon aking aawitin habang panahon
ang kabutihan ng Panginoon aking aawitin habang panahon
Aawitin ko iyong pag ibig o Diyos
Ang iyong katapatan sa lahat ng araw
Batid ko nang pag ibig mo'y walang hanggan
Katapatan mo'y singtibay ng kalangitan
Sa 'king pinili ako'y mayroong tipan
Sa lingkod kong si David aking sinumpaan
Ang 'yong angkan aking itatatag kailanpaman
Sa bawat salinlahi iyong kaharian
Sasabihin N'yang ikaw ang aking Ama
Ang Diyos panulukan kong magliligtas
Pag-ibig ko sa kanya'y mananatili kailanman
Para sa kanya'y tipang hindi magwawakas
* * * * *
AWIT NG KAPAYAPAAN
Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon
Kapayapaan magpakailanman
O Diyos igawad mo sa hari ang iyong hatol
Sa mahal Niyang anak ang katarungan mo
Ang bayan mo'y hukuman sa katarungan
At mga dukha ng may katuwiran
Ang mga bundok nawa'y dalhin ang kapayapaan
At mga kapatagan, katarungan sa lahat
Ang mga aba nawa'y ipagtanggol Niya
At tulutan ng ginhawa ang mga anak
Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon
At ang kapayapaan ay di magtatapos
Sa mga karagatan Siya'y mamumuno
Simula ilog hanggang sa dulo ng mundo
Nawa'y papurihan ang dakilang ngalan N'ya
Tulad ng dakilang araw magpakailanman
Basbasan nawa Niya ang lahat ng sangkatauhan
At mga bansa'y pupurihin ang ngalan N'ya
* * * * *
AWIT NI MARIA
Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon kong tagapagligtas
Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon kong tagapagligtas
Ang puso ko'y nagpupuri sa aking Panginoon
Ang lakas koy galing sa Diyos
Ako ay tumatawa sa mga kaaway
Nagpupuri sa iyong mapagpalayang kamay
Kanyang winawasak ang sibat ng mga malalakas
Ngunit ang mga aba'y pinatatatag
Ang mayroon ay nawawalan ngunit ang gutom ay pinupunan
Ang baog ay binibigyan ng mga anak
Ang poon ay tagabigay ng buhay at kamatayan
Siya lang ang aking tagapagligtas
Ang nagbibigay ng dalita at kayamanan
Itinataas ang tao sa kahirapan
Itinataas nya ang mga abang alipin
Inihahanay sa mga hari
Sapagkat ang sandigan ng mundo ay sa kaniya
Sa Kanya galing ang buong sanlibutan
* * * * *
ITAAS ANG IYONG ULO
Itaas ang 'yong ulo at yong pagmasdan kaligtasan ay narito na
Itaas ang 'yong ulo at yong pagmasdan kaligtasan ay narito na
Ang kalooban mo ay ituro mo O Diyos
Ituro mo sa akin na aba mong lingkod
Sa landas na matuwid turuan mo ako
Ikaw lang ang Diyos ko't Panginoon
Mabuti ang Poon at makatarungan pa
Makasalana'y kaniyang tinuturuan
Sa mababang loob Siya lamang ang gabay
Tinuturuan ng katarungan
Tapat sa pag-ibig kung Siya'y umaakay
Sa tumatalima sa utos na tipan
Sa tumatalima Siya'y kaibigan
Siya'y guro ng banal N'yang tipan
* * * * *
to be continue,,,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento