MAGALAK NA UMAWIT
Magalak na umawit sa Panginoon
Kayong banal umawit ng himig na bago
Poo'y pasalamatan at gitara'y gamitin
Sa pagtugtog ng lira maghandog ng awitin
O awitan S'yang palagi ng bagong awitin
At buong lakas at galing mong tugtugin
Ang kanyang mga balakin mananatili kailanman
At sa bawat salinlahi ang pusong nag aasam
Lahat tayo ay magdiwang sa Diyos na Panginoon
Tayo'y magalak at pinili nya tayo
Buong puso ko at diwa sa D'yos lang nag aabang
Pagkat tanging iyon lamang lakas ko at sanggalang
Sapagkat sa kanya lamang sila'y kagalakan
Magtiwala sa banal Niyang ngalan
* * * * *
NAWA'y PAGPALAIN
Nawa'y pagpalain tayo ng D'yos at kahabagan
Nawa'y pagpalain tayo ng D'yos at kahabagan
O Diyos kaawaan at pagbigyan
Kami ay iyong tanglawan
Ituro sa amin ang 'yong daan
Sa bansa 'yong kaligtasan
Ang mga bansa'y magsaya't magalak
Katarungan mo'y umiiral
Ika'y naghahari sa'ming lahat
At kami'y ginagabayan
Nawa'y pagpalain natin ang Diyos
Tayo na kanyang nilalang
Nawa'y pagpalain tayo ng Diyos
Lahat ng may takot sa kanya
* * * * *
NGAYON AY ISINILANG
Ngayon ay isinilang dakilang mananakop
Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon
Awitan ang Panginoon ng bagong awitin
Awitan ang Panginoon ng buong daigdig
Awitan ang Panginoon ng bagong awitin
Awitan ang Panginoon ngalan nya ay purihin
Ipagbunyi't ipahayag ninyo sa bawat araw
Ang dakilang kaligtasan na galing sa kanya
Inyong ipamalita sa lahat ng mga bansa
Ang kanyang kapangyariha't kahanga hangang ginawa
Magdiwang ang kalangitan magalak ang kalupaan
Ang lahat ng nasa dagat umugong sa tuwa
Magdiwang ang kapatagan at lahat ng kanyang bunga
Ang lahat ng mga puno lumukso na sa tuwa
Lahat tayo ay magdiwang narito ang Panginoon
Dumarating sa atin upang Sya ay mamuno
Sya ay may katarungan gayundin at kaharian
tayo ay huhukuman ng may katapatan
* * * * *
PINUPURI KITA PANGINOON
Pinupuri kita Panginoon
Sapagkat niligtas mo Ako
Pinupuri kita Panginoon
Sapagkat niligtas mo Ako
Pinupuri kita sapagkat ako'y ligtas
Di hahayaang kaawa'y magdiwang
Hinango ako sa daigdig ng patay
Inadya mo sa nanaog sa hukay
Magsiawit kayong umiibig sa Kanya
Pasalamatan Kanyang pangalan
Ang galit Niya'y sandali lamang
Ang pag ibig Niya ay magpakailanman
Nakikinig Siya at puno ng habag
Handa Niya akong tulungan
Panaghoy ay kanyan ginagawang sayawan
O Diyos kita'y pasasalamatan
* * * * *
PUNUAN MO AKO
Punuan mo Ako ng pagpapala mo
At aawitin ko'ng kapurihan mo
Ikaw lang ang aking sandigan
Aking lakas upang ako ay maligtas
Pagkat ika'y batong aking lakas
Palayain mo ako sa mga masasama
Ikaw Poon aking pag asa
Tiwala ko sa'yo'y noon pa man
Mula pa nang ako'y isinilang
Hanggang ngayon ako'y tinutulungan
Gawa mo ay aking sasambitin
Katarungan mo'y aking ipagbubunyi
Ang turo mo sa 'king kabataan
Pupurihin ko ang iyong gawang kahanga hanga
* * * * *
SALUBUNGIN ANG PANGINOON
Salubungin ang Panginoon
S'ya ang hari ng kal'walhatian
Sa Panginoon ang sangkalupaan
Ang mundo at sangkatauhan
S'ya ang nag aayos ng karagatan
Mga tubig pinagtitibay N'ya
Sinong aakyat sa bundok ng Poon
Sinong tatayo sa banal N'yang pook
Ang taong may malinis na puso
Di hangad ang bagay ng mundo
Tatanggap ng pagpapala ang taong
Nananalig sa Panginoon
Sa kanya Diyos ang itinatangi
Banal N'yang mukha'y hahanapin
sana po may-roon din pong tugtog hehe.. :)
TumugonBurahin